NBOC, handa na sa proklamasyon bukas kahit pa hindi dadalo ng ilang nanalong kandidato

By Mariel Cruz May 29, 2016 - 02:00 PM

NBOCHanda na ang National Board of Canvassers sa magaganap na proklamasyon bukas kahit hindi pa malinaw kung personal na dadalo ang mga nanalo sa pagbibilang ng boto ng Kongreso noong Biyernes.

Ayon sa NBOC, wala silang nakikitang problema kung dadaluhan o hindi ang mga inaasahang panalong kandidato.

Pahayag naman ni Sen. Koko Pimentel, ginawa na nila ang kanilang tungkulin ukol sa paghimay ng certificates of canvass at nasa nanalong kandidato na kung ito ay haharap sa proklamasyon bukas.

Matatandaang sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi siya pupunta sa Kamara para sa kanyang nakatakdang proklamasyon.

Sa halip aniya ay sa June 30 na lang siya pupunta sa Metro Manila para sa pagsisimula ng kanyang tungkulin bilang bagong presidente ng Pilipinas.

Ngunit sa hiwalay na pahayag ng kaalyado ni Duterte na si Atty. Vitaliano Aguirre, sinabi nitong malaki pa rin ang tsansa na dumalo sa proklamasyon ang susunod na pangulo bilang bahagi ng proseso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.