Sec. Bonoan, nangakong ipagpapatuloy ang big-ticket projects sa ‘Build, Build, Build’ program
Nangako si Public Works and Highways Secretary Mark Bonoan na ipagpapatuloy ang big-ticket projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” programa sa adminitrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na ipinag-utos ni Marcos na bigyang-prayoridad ang imprastraktura na makatutulong sa food security program ng gobyerno kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at pagkonekta sa iba’t ibang rehiyon.
Dagdag nito, ipagpapatuloy din nito ang pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor para sa road network improvement sa bansa, sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) Program.
Tiniyak din ni Bonoan na paiiralin niya ang kaugaliang “lead by example” bilang pinuno ng kagawaran.
“We encourage the public to reach out and help in nation-building. Any issue or complaint may be coursed through our social media pages, email, and hotline numbers,” pahayag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.