Robredo, personal na kakausapin si Duterte pagkatapos ng proklamasyon bukas

By Mariel Cruz May 29, 2016 - 01:53 PM

duterte-robredoNangako si Incoming Vice President Leni Robredo na makikipag-usap siya ng personal kay President-elect Rodrigo Duterte pagkatapo ng opisyal na proklamasyon bukas.

Ayon kay Robredo, magcocourtesy visit siya kay Duterte para tiyakin na makakaasa ang president-elect sa kanyang suporta.

Obligasyon aniya ng mambabatas sa sambayanang Pilipino bilang incoming vice president na ibuhos ang kanyang buong suporta kay Duterte kahit pa magkaiba ang kanilang partido.

Irerespeto rin ni Robredo kung anoman ang magiging desisyon ni incoming president Duterte ukol sa Cabinet post na ibibigay sa kanya.

Kasabay nito, sinabi rin ni Robredo na uuwi pa rin sila ng kanyang tatlong anak sa kanilang bahay sa Naga City at patuloy pa rin silang sasakay ng bus kahit magsimula na siyang magtrabaho bilang bise presidente ng bansa.

Samantala, kinumpirma ni Robredo na dadalo siya sa kanyang proklamasyon bukas sa Kongreso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.