Manila LGU, nag-abot ng tulong sa 674 benepisyaryo ng Educational Assistance Program
Namahagi ang Manila city government, sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare, ng tulong-pinansiyal sa mga benepisyaryo ng Educational Assistance Program, araw ng Huwebes, Hulyo 7.
Pinangunahan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pamamahagi ng P3,370,000 sa 674 benepisyaryo mula sa Districts 1, 4, at 6.
“Makakaasa po kayo nga ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ay gagawin at mag-iisip ng mga paraan para lalong maibsan ang napakabigat na suliranin, dahil hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin po tayo ng state of health emergency,” saad ng alkalde.
Ito ang una sa apat na batch ng pagbibigay ng financial sa naturang programa.
Humigit-kumulang 2,000 indibiduwal ang inaasahang makakatanggap ng nasabing benepisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.