Siyam pang opisyal, nanumpa na kay Pangulong Marcos

Photo credit: Pangulong Bongbong Marcos/Twitter

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Bianca Cristina Cardenas Zobel bilang Social Secretary.

Base sa pahayag ng Palasyo ng Malakanyang, nanumpa na kay Pangulong Marcos si Zobel sa araw ng Huwebes, Hulyo 7.

Bukod kay Zobel, nanumpa na rin kay Pangulo sina Cesar Chavez bilang Undersecretary ng Department of Transportation (DOTr).

Nanumpa na rin sina Emerald Ridao bilang Undersecretary ng Office of the Press Secretary, Franz Imperial bilang Undersecretary ng Office of the President, Honey Rose Mercado bilang Undersecretary ng Presidential Management Staff, Atty. Jose Calida bilang Commissioner ng Commission on Audit at Gerald Baria bilang Undersecretary ng Office of the President.

Read more...