NCR at ilang lalawigan sa Luzon, Visayas patuloy na uulanin
Nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, bahagya naman ang pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Asahan ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa malaking parte ng Visayas, Bicol region, MIMAROPA, CALABARZON, at Metro Manila.
Kaparehong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Isabela at Aurora.
Sa ngayon, walang nakataas na gale warning sa anumang bahagi ng bansa.
Wala ring inaasahang mabubuo o papasok na bagyo sa teritoryo ng bansa sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.