DOH, nilinaw na walang kautusan na gagawing mandatory ang pagtanggap ng booster shot
Nagbigay-linaw ang Department of Health (DOH) na walang ibinabang direktiba ang pamahalaan na gawing mandatory ang pagtanggap ng COVID-19 booster shot.
“Wala pong binigay na statement ang ating gobyerno, ang ating kagawaran na ang ating pagbabakuna ay mandatory. We also did not give any statement that boosters will become mandatory. Wala iyan sa ating direksyon. Wala rin po iyan sa ating pronouncements,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vegeire sa press briefing ng kagawaran.
Kailangan lamang aniyang mapataas ang antas ng pagbabakuna, lalo na ang pagbibigay ng booster doses sa bansa.
Paliwanag nito, “Dahil nakikita po natin, and even our experts are saying that our immunity for our population is already waning.”
Kasunod ng napag-usapan sa pulong kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sinabi ni Vergiere na magpapatuloy ang pagtatrabaho ng kagawaran, katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno, upang mapalakas at maipatupad ang mga istratehiya ukol sa vaccination efforts sa buong bansa.
Tiniyak din ni Vergeire na magbibigay sila ng update sakaling magpatupad ng mga bagong polisiya ang administrasyong Marcos para sa COVID-19 response sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.