Tarlac prosecutor, inireklamo ng Tinang farmers

By Chona Yu July 07, 2022 - 03:05 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Dumulog sa Department of Justice (DOJ) ang mga magsasaka at abogado na kabilang sa tinatawag na “Tinang 83” na inaresto ng mga pulis dahil sa pagbubungkal ng lupa sa Barangay Tinang sa Concepcion, Tarlac.

Ito ay para ireklamo si Tarlac Assistant Provincial Prosecutor Mila Mae Montefalco dahil sa pagiging bias o pagkiling sa kabilang partido kaugnay sa ginagawang preliminary investigation na isinampa laban sa “Tinang 83.”

Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, abogado ng “Tinang 83”, hinihiniling nila na alisin si Montefalco at bumo ng bagong panel ng prosecutors.

Siyam na magsasaka at 14 artists ng “Tinang 83” ang naghain ng reklamo ng administratibo laban kay Montefalco.

Nakapaloob sa reklamo ang grave and serious misconduct, gross ignorance of the law and procedure, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Inihahanda na rin ng “Tinang 83” ang pagsasmpa ng kaso sa Ombudsman laban sa ilang tauhan ng Concepcion Municipal Police.

Hunyo 9 nang arestuhin ng mga pulis ang mga magsasaka dahil ilegal daw ang ginawang bungkalan sa lupang sinasaka.

Hirit ng mga magsasaka sa DOJ kung maari, huwag na sa Tarlac gawin ang pagdinig.

Hindi naman sa wala silang tiwala sa sistema ng hudikatura kundi nangangamba lamang na maimplewesnyahan ng mga malalaking pulitiko sa lugar.

TAGS: DOJ, InquirerNews, Mila Mae Montefalco, RadyoInquirerNews, Tinang, Tinang83, TinangFarmers, DOJ, InquirerNews, Mila Mae Montefalco, RadyoInquirerNews, Tinang, Tinang83, TinangFarmers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.