Mahabang pila sa pagpaparehistro sa Comelec, pinareresolba

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Inatasan ng Commission on Elections (Comelec) ang regional field offices na resolbahin ang mahabang pila ng mga nagpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa December 5, 2022.

Ayon kay Comelec spokesman Atty. John Rex Laudiangco, dapat ding tiyakin ng kanilang tauhan na mahigpit na ipatupad ang minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Utos pa ng Comelec sa Office of the Deputy Executive Director for Operations and Election and Barangay Affairs Department, makipag-ugnayan sa field offices para magtayo ng off-site at satellite registration, partikular sa malls, para sa mas ligtas at maginhawang pagpaparehistro.

Ipagpapatuloy din ng Comelec ang public information drives para sa voter registration.

Bukas ang Comelec mula Lunes hanggang Sabado ng 8:00 ng umaga Hanggang 5:00 ng hapon.

Nagsimula ang voters registration mula noong July 4 at matatapos hanggang July 23.

Inaasahang aabot sa 300,000 hanggang 400,000 ang madadagdagan sa mga botante.

Ayon kay Laudiangco, nasa 66 milyon ang botante sa Brgy. at SK elections.

Read more...