Nananatiling ‘low risk’ ang Pilipinas sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa ‘low risk’ pa rin ang bansa sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng nakahahawang sakit.
Aniya, nagkakaroon ng pagtaas sa mild cases, habang nananatiling mababa ang severe at critical cases ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa katunayan, bumaba pa aniya ang mga severe at critical case sa bansa sa mga nakalipas na araw.
Samantala, nasa ‘moderate risk’ naman ang national health system capacity.
Gayunman, patuloy pa ring hinihikayat ng kagawaran ang publiko na magpabakuna para sa dagdag na proteksyon laban sa nakahahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.