140 pang kaso ng COVID-19 Omicron BA.5, naitala sa bansa

Nakapagtala ng 140 pang kaso ng Omicron BA.5 ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

a press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa nasabing bilang, 99 ang napaulat sa Region 6, 21 sa National Capital Region, pito sa Region 4A, lima sa Region 1, at tig-isang kaso sa Regions 3, 5, 7, 8, 10, 4B, at Cordillera Administrative Region, at isang returning overseas Filipino.

Maliban dito, mayroon ding karagdagang 20 kaso ng BA.2.12.1. Lima rito ay mula sa NCR, apat sa Region 6 at 4A, dalawa sa CAR, isa sa Region 1, at apat na returning overseas Filipinos.

Siyam sa mga kaso ang fully vaccinated, isa ang hindi bakunado, habang bineberipika pa ang vaccination status ng 10 nalalabing kaso.

Sa ngayon, hindi pa tiyak ang exposure at inaalam pa ang travel histories ng mga pasyente.

Samantala, naitala rin ang pitong dagdag na kaso ng BA.4 cases, ngunit itinuturing na ito bilang recovered cases.

Sa ngayon, sinabi ng DOH na umabot na sa 70.8 milyon ang bilang ng mga indibiduwal sa bansa na fully-vaccinated laban sa COVID-19 hanggang Hulyo 5.

Read more...