Pagbasura sa Rice Tariffication Law, nais ng maraming Filipino

By Jan Escosio July 07, 2022 - 12:45 PM

Mayorya ng mga Filipino ang sumusuporta sa mga panukala na amyendahan ang Republic Act 11203 o ang Rice Tarrification Law of 2019.

Sa resulta ng PUBLiCUS Asia Survey, na isinagawa noong Hunyo 16 hanggang 22, 63 porsiyento ng 1,500 respondents ang sang-ayon na maibasura ang batas na inaprubahan ni dating Pangulong Duterte.

May walong porsiyento naman ang tutol, samantalang 29 porsiyento ang hindi alam kung sang-ayon o tutol sila.

Binanggit naman ni PUBLiCUS executive  director Aureli Sinsuat wala pang malinaw na posisyon sa isyu si Pangulong Marcos Jr., na kasalukuyang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Una lang ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., ang ‘reassessment’ sa batas partkular na sa P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Inaasahan naman aniya na aapila kay Pangulong Marcos Jr., ang mga magsasaka para sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa na makakatulong sa sektor ng agrikultura.

TAGS: DA, rcef, rice tariffcation law, DA, rcef, rice tariffcation law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.