Eastern Visayas, pinaghahanda sa pagpasok ng La Niña ngayong taon
Pinaghahanda ng Department of Agriculture ang mga magsasaka sa Eastern Visayas para sa mararanasang La Niña o labis na pag-ulan ngayong taon.
Ayon kay DA Eastern Visayas Regional Director Leo Cañeda, inabisuhan na ng kanyang tanggapan ang lahat ng magsasaka na maagang magtanim at umani ng bigas.
Paliwanag ni Cañeda, kung magiging malala ang La Niña, aabot sa 155,000 ektaryang pananim ang maaapektuhan sa rehiyon.
Karaniwan aniya na nakakalikha ng 200 metric tons na bigas ang mga lugar sa Eastern Visayas.
Kung magkakaroon aniya ng kakulangan ng bigas dahil sa La Niña, ang rice self-sufficiency ng rehiyon ang makararanas ng kahirapan.
Noong nakaraang taon, nakaranas ng 3 percent na kakulangan sa rice production ang Eastern Visayas.
Ang pagtatapos ng El Niño ay kadalasan sinusundan ng pagsisimula ng La Niña.
Nangyayari ang La Niña kapag ang hangin mula sa timog-silangan ay lumalakas.
Nagiging dahilan din ito para may mabuong tropical cyclones o bagyo sa Karagatang Pasipiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.