Panukala para sa automatic fuel excise tax suspension ikinasa ni Sen. Grace Poe

By Jan Escosio July 07, 2022 - 09:57 AM

Muling inihain ni Senator Grace Poe ang kanyang panukala para sa automatic suspension ng fuel excise tax.

Sa panukala, nais ni Poe na awtomatikong ititigil ang paniningil ng excise tax sa gasolina at krudo kapag humigit sa $80 kada bariles ang halaga ng Dubai crude oil ng higit tatlong buwan.

Layon ng panukala na maamyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code.

Kapag nakalusot, tinatayang P10 ang matatapyas sa kada litro ng gasolina at P6 naman sa diesel.

Naniniwala si Poe na malaking tulong sa pamamasada ng public utility vehicle (PUV) drivers ang P6 kada litro na pagbaba ng halaga ng krudo.

Binanggit niya na 20 porsiyento sa 900,000 jeepney drivers ang tumigil na sa pamamasada dahil sa pagkalugi bunga ng mataas na presyo ng krudo.

Unang inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 6.1% June inflation at isa sa mga pangunahing dahilan ay ang mataas na halaga ng transportasyon.

TAGS: excise tax, grace poe, excise tax, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.