2 menor de edad, sugatan sa rifle grenade atttack sa Maguindanao

maguindanaoSugatan ang dalawang menor de edad matapos magpaputok ng rifle grenade ang mga hindi pa nakikilalang suspek sa bahay ng isa sa kapatid ng namayapang Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Senior.

Ayon sa Maguindanao police, naganap ang insidente kahapon, bandang alas kuwatro ng madaling araw.

Hindi naman mabatid kung saan nanggaling ang pinaputok na rifle grenade na tumama sa bahay ni Datu Pandag Ampatuan sa Barangay Poblacion 2, Shariff Aguak.

Ayon naman kay Chief Inspector Reynato Mauricio, spokesperson ng Maguindanao provincial police, dahil sa bubog ng nabasag na bintana, nasugatan ang dalawang menor de edad na natutulog nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga pulis kung ano ang motibo sa pag-atake.

Sinabi rin ni Mauricio na nagsasagawa na sila ng pursuit operations sa Shariff Aguak at sa kalapit na munisipalidad.

Read more...