Agrikultura, imprastraktura at enerhiya napag-usapan nina PBBM Jr. at Chinese Foreign Minister Wang Yi

By Chona Yu July 07, 2022 - 09:23 AM

PCOO photo

Sumentro sa usapin sa agrikultura, imprastraktura at enerhiya ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese Foreign Minister Wang Yi, Miyerkules ng hapon (Hulyo 6).

Bukod dito, ibinahagi din ni Pangulong  Marcos Jr. na natalakay din nila ni Wang ang pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga susunod na taon.

Pinasalamatan din nito ang bisitang banyagang opisyal sa pagbati sa kanya ni Chinese President Xi Jinping sa pagkakapanalo sa katatapos na eleksyon.

Una nang sinabi ng Pangulo na ayaw niyang limitahan sa isyu ng West Philippine Sea ang pakikipag-usap sa mga matataas na opisyal ng China sa kagustuhan na magkaroon ng maayos na relasyon ang dalawang bansa.

TAGS: China, Wang Yi, China, Wang Yi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.