Binabalak ni Senator Jinggoy Estrada na rebisahin ang Labor Code of the Philippines sa pagtitiyak na angkop ang natatanggap na mga benepisyo at proteksyon sa mga manggagawa.
Ayon kay Estrada, 1974 pa nang simulang ipatupad ang mga nilalaman ng Labor Code at aniya maaring maraming probisyon na ang hindi ayon sa panahon.
“Kailangan tiyakin natin na ang pangunahing batas para sa ating manggagawa ay napapanahon at akma sa kasalukuyang sitwasyon na kinahaharap ng ating mga manggagawa,” sabi pa nito.
Nagpahiwatig din si Estrada na maaring maghain siya para sa Legislated Wage Increase bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi pa ng mamumuno sa Senate Committee on Labor na titiyakin niya na tunay na iniintindi ng Regional Wage Board ang kapakanan ng mga manggagawa.
Ngunit, dagdag ni Estrada, kailangan balansehin ang interes ng mga manggagawa gayundin ng mga kapitalista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.