Nag-courtesy call si Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, Miyerkules ng hapon (Hulyo 6).
Tinalakay nina Marcos at Wang kung paano mapapagtibay ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China sa iba’t ibang aspeto.
Nakapulong din ni Wang si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Bago ang courtesy call, unang nakapulong ni Wang si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa tanggapan ng kagawaran sa Pasay City, Miyerkules ng umaga.
Dumating si Wang sa Pilipinas noong Hulyo 5 kasunod ng imbitasyon ni Manalo.
Si Wang ang unang foreign minister na nakapulong ni Marcos simula nang manumpa bilang pangulo ng bansa noong Hunyo 30.
READ NEXT
Sec. Remulla, itinalaga si Rogelio Gevero Jr. bilang OIC Commissioner ng Bureau of Immigration
MOST READ
LATEST STORIES