Pilipinas, inaasahang makapagtatala ng pinakamataas na economic growth rate sa ASEAN-Plus Three sa 2022, 2023

By Chona Yu July 06, 2022 - 06:13 PM

Kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Pilipinas ang makapagtatala ng pinakamataas na economic growth rate sa ASEAN Plus Three countries sa 2022 at 2023.

Sa press brieifing sa Malacañang, sinabi ni Diokno base ito sa Medium-term Fiscal Consolidation Framework ng DOF sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipatutupad mula 2023 hanggang 2028.

Ayon kay Diokno, asahan nang lalago ang ekonomiya ng 6.5 hanggang 7.5 porsyento sa taong 2022.

Kabilang sa ASEAN Plus Three ang mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations pati na ang Japan, South Korea, at China.

Sinabi pa ni Diokno na asahang papalo ang growth rate sa 6.5 hanggang 8 porsyento sa 2023 hanggang 2028.

TAGS: BBM, BBMadmin, BenjaminDiokno, BUsiness, DOF, EconomicGrowth, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, PHeconomy, RadyoInquirerNews, BBM, BBMadmin, BenjaminDiokno, BUsiness, DOF, EconomicGrowth, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, PHeconomy, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.