Cha-cha, walang panahon sa unang taon ng 19th Congress
Tiniyak ni Senator Juan Miguel Zubiri na hindi gagalawin ang 1987 Constitution sa unang taon ng papasok na 19th Congress.
Ginawa ni Zubiri ang pagtitiyak matapos ihain sa Kamara ang panukala para sa pagbabago sa haba ng termino ng mga halal na opisyal sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Saligang Batas.
Pagdidiin nito, kung may pag-uusapan man ukol sa Charter change, dapat nakasentro lamang sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.
“I think on the first year that should be on the mind, the minds and souls of every legislator at this point in time. Yun na muna yung pag-usapan natin kasi galing tayong pandemya, madaming nahihirapan na mga kababayan natin,” diin nito.
Dagdag pa ni Zubiri, dapat ding suportahan ang mga gagawing pagtugon ng bagong administrasyon sa nagpapatuloy na pandemya.
Naibahagi rin nito na nagkausap na sila ni Sen. Robin Padilla ukol sa isyu at aniya, may binubuo nang plano dahil siya na rin ang mamumuno sa Senate Committee on Constitutional Amendments.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.