Ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes, pinatitiyak ni Sen. Nancy Binay
Pinatitiyak ni Senator Nancy Binay sa gobyerno na ‘fully vaccinated’ ang lahat ng mga kawani ng eskuwelahan para sa binabalak na full face-to-face classes sa darating na Nobyembre.
Dapat din aniyang matiyak na ‘fully compliant’ ang mga eskuwelahan sa lahat ng safety protocols.
“As a parent, siyempre before na mag-full face-to-face sa November, gusto rin nating yung mga teacher at support staff ay bakunado at may booster, trained sila for the new normal,” sabi ni Binay.
Dagdag pa nito, “Yung classrooms ay well-ventilated, health and safety protocols are strictly implemented, maayos ang spacing ng mga estudyante, may tubig at sabon sa wash areas at CR. Ibig sabihin, by September, schools must be ready and compliant.”
Sabi pa ng senadora, dapat susundin din ang testing protocols para matiyak ang kaligtasan ng mga guro at estudyante.
Paliwanag niya, dapat kapag may suspected cases o may sintomas sa paaralan, agad may testing at may suporta hanggang sa pagpapagaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.