Siyam na porsyento na lamang ng populasyon sa bansa ang mahirap pagkatapos ng termino ni PBBM – Diokno

Photo credit: Richard A. Reyes/PDI

Nasa siyam na porsyento na lamang ng populasyon sa bansa ang mahirap pagkatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2028.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na pagsusumikapan ng Pangulo na ibaba ang bilang ng mga mahihirap bilang bahagi ng medium-term fiscal consolidation framework na iprinisinta sa Cabinet meeting, araw ng Martes (Hulyo 5).

Inihalimbawa ni Diokno ang pag-upo sa puwesto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 na nasa 25 porsyento ang poverty incidence pero na ibaba sa 17 hanggang 18 porsyento bago tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Pagsusumikapan aniya ng kasalukuyang administrasyon na maingat ang pamumuhay ng mga Filipino.

Read more...