DepEd, handa na para sa kauna-unahang batch ng Grade 11 students na papasok sa June 13
Handa na ang Department of Education para sa unang araw ng pasukan ng mga Grade 11 students sa June 13.
Ito ang kauna-unahang batch ng senior high school sa ilalim ng bagong K to 12 basic education program.
Ayon kay DepEd Assistant Sec. Tonisito Umali, makakaasa ang lahat na magiging maayos ang unang araw ng klase partikular na ng mga Grade 11 students ngayong taon.
Kasalukuyang na rin aniyang nagsasagawa ng training ang DepEd para sa mga guro na magtuturo sa mga estudyante ng Grade 11.
Sinabi rin ni Umali na nakumpleto na ang pagpapatayo ng DepEd ng aabot sa mahigit 23,000 classrooms na gagamitin ng Grade 11 students.
Sa ilalim ng K to 12 program, nadagdagan ng dalawang taon ang high school kung saan anim na taon na ang tatapusin ng mga estudyante bago makapag-aral ng kolehiyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.