Pinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga opisyal ng Department of Health (DOH), araw ng Miyerkules, Hulyo 6.
Natalakay sa pulong ang mga ginagawang hakbang at inisyatibo ng pamahalaan sa nagpapatuloy na pandemya dahil sa COVID-19.
Layon din ng pulong na masigurong tuluy-tuloy ang pagkakasa ng vaccination sa bansa.
Kasama rin sa pulong ang mga opisyal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Base sa ibinahaging larawan ng Presidential Communications, makikitang present din sa pulong sina Interior Secretary Benhur Abalos at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sa ngayon, wala pa ring napipili si Pangulong Marcos na magiging kalihim ng DOH. Dahil dito, mananatili sa ‘status quo’ ang mga ipinatutupad na COVID-19 response sa bansa.