PCG working dog, na-detect ang P210,000 halaga ng shabu sa Zamboanga Airport

By Angellic Jordan July 06, 2022 - 03:10 PM

PCG photo

Habang nagsasagawa ng inspeksyon sa Zamboanga International Airport, nagkaroon ng positibong indikasyon sa isang package ang working dog ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Team Zamboanga na may pangalang “Bunny” bandang 12:50, Martes ng tanghali (Hulyo 5).

Nang buksan ang package, nadiskubre ng PCG K9 Team Zamboanga at iba pang airport authorities ang 14 pakete ng hinihinalang methamphetamine o shabu. Bawat pakete ay may bigat na limang gramo.

Tinatayang aabot sa P210,000 ang halaga ng naturang package.

Nagkasa naman ng mas malalim na imbestigasyon ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa naturang insidente.

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, PCG, PCGdog, RadyoInquirerNews, shabu, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, PCG, PCGdog, RadyoInquirerNews, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.