Sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagdating ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa tanggapan ng kagawaran sa Pasay City, Miyerkules ng umaga (Hulyo 6).
Natalakay ng dalawang diplomat ang iba’t ibang isyu, kabilang ang pagtutok sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at China.
Samantala, ipinakita rin nina Manalo at Wang ang commemorative plaque at scale model para sa paglulunsad ng Samal Island-Davao City Connector Project, isang Government-to-Government cooperation projection sa pagitan ng Pilipinas at China na nagkakahalag ng $400 million.
Itinuturing ito bilang flagship project sa ilalim ng “Build, Build, Build” program.
Oras na makumpleto, inaasahang makakapagbigay ng maayos na transportation link ang naturang tulay sa pagitan ng Metro Davao at Samal Island. Mula sa 26 hanggang 30 minuto, magiging limang minuto na lamang ang oras ng biyahe sa pagitan nito.
Maliban dito, sinaksihan nina Manalo at Wang ang pagpirma sa Memorandum of Understanding on Providing Financial Services to Promote Cooperation sa pagitan ng Stock Exchanges of the Philippines at China.
Si Wang ang unang foreign minister na nakapulong ni Manalo simula nang maupo bilang kalihim ng kagawaran noong Hulyo 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.