Sen. Robin Padilla may panukala sa paggamit ng marijuana bilang gamot

Naihain na ni Senator Robin Padilla ang kanyang 10 priority bills sa pagbubukas ng 19th Congress ngayon buwan.

Kabilang sa kanyang mga inihain ang Medical Cannabis Compassionate Access Act o ang paggamit ng medical marijuana sa ilang piling karamdaman.

May panukala din ang baguhang senador para sa pagsuspindi sa excise taxes sa mga produktong-petrolyo, pag-amyenda sa Rice Tarrification Law, Civil Service Eligibility.

Bukod pa dito, ipinanukala din niya ang Mandatory Reserve Officer’s Training Corps at Divorce Act of the Philippines.

“Tutukan, aaralin at isusulong natin ang mga adbokasiya na tutugon sa samut-saring isyu na malapit sa ating bituka – kasama rito ang mataas na presyo ng petrolyo, mga problema sa agrikultura at food security at talamak na diskriminasyon” sabi ni Padilla.

Read more...