85% ng higit 5,300 monkeypox cases naitala sa Europe
Nakapagtala na ang World Health Organization (WHO) ng 5,322 kumpirmadong kaso ng monkeypox sa buong mundo at may isa na ang nasawi.
Nabatid na 85 porsiyento ng mga kaso ay sa Europe.
Bagamat patuloy ang pagdami ng mga nahahawa ng naturang sakit, wala pang itinakdang muling pagpupulong ang emergency committee ng WHO.
“From January 1 to June 30 this year, we have 5,322 laboratory-confirmed cases and one death,” ani WHO spokesperson Fadela Chaib.
Aniya ang huling bilang ay nagpakita ng 56 porsiyentong pagtaas sa loob lamang ng walong araw.
Noong Hunyo 22, nakapag-ulat na ng 3,413 kaso at may infections na sa 53 bansa.
Naobserbahan din na karamihan sa mga nagkasakit ay mga lalaki na nakipagtalik sa kapwa lalaki at sa urban areas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.