Mga donasyon ng Lucky 8 Star Quest malaking tulong sa COVID 19 response

Halos P1 bilyon halaga na ng ibat-ibang uri ng tulong para sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya ang naipaabot ng Lucky 8 Star Quest Inc.

Kabilang sa naibigay ay mga COVID 19 essentials, antigen test kits, hygiene kits, cash donations at ambulansiya.

Umabot naman sa P2.6 bilyon ang binarayan ng Lucky 8 na buwis.

Kasabay nito ang tuloy-tuloy na pagka-kawanggawa ng Pitmaster Foundation Inc., sa pamumuno ni Atty. Caroline Cruz.

Ibinahagi ni Cruz na ang Pitmaster ay acronym ng ‘Providing Indigents with Timely Medical Assistance Services and Targeted Emergency Relief,’ na nakapaghandog na rin ng P120 milyong tulong sa 17 lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila.

Ginawa ito sa pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government, Department of Health at MMDA.

Nakapagbigay din ang Pitmaster Foundation ng apat na vaccine freezers sa Batangas, 11,000 AstraZeneca COVID 19 doses sa Laguna at tulong pinansiyal sa Isabela Provincial Hospital.

Read more...