Importasyon ng mga karne kailangan pa rin – PBBM Jr.

By Jan Escosio July 06, 2022 - 09:04 AM

Kailangan pa rin mag-angkat ng mga karne kasabay nang pagpapalakas pa ng produksyon ng mga pagkain sa bansa.

Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., dahil aniya sa nagpapatuloy na epekto ng African Swine Fever (ASF) sa suplay ng karne ng baboy sa bansa.

Bumabangon pa rin aniya ang mga magbababoy na lubhang naapektuhan ng pandemya sa kanilang mga alaga simula noong 2019.

Sa bahagi naman ng suplay ng karne ng manok, may problema naman sa feed supply, sabi ni Pangulong Marcos Jr., kayat kailangan na magpatuloy ang importasyon.

Ibinahagi ng Punong Ehekutibo na pinili niya na pamunuan muna ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mga problema at isyu sa naturang ahensiya.

Diin niya kailangan solusyonan ang mga problema para maging abot-kaya sa lahat ang presyo ng pagkain.

Noong kampaniya, ipinangako nito na maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas.

TAGS: ASF, chicken, DA, import, pork, ASF, chicken, DA, import, pork

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.