Pangulong Marcos ayaw na limitahan sa usapin sa WPS ang relasyon ng Pilipinas, China

By Chona Yu July 05, 2022 - 07:23 PM

PCOO photo

Ayaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na limitahan lamang sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) ang relasyon ng China at Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, dapat paigtingin din ang ugnayan sa cultural exchanges, pati na sa education at military exchanges.

Ayon sa Pangulo, mayroon siyang nakatakdang pakikipagpulong kay Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi.

Gayunman, hindi pa matukoy ni Marcos kung kailan ang eksaktong petsa ng pagpupulong.

Nais ng Pangulo na makahanap ng solusyon para tuluyan nang maresolba ang sigalot ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

Taong 2016 nang manalo ang Pilipinas laban sa China nang katigan ng Permanent Court of Arbitration ang hirit ng bansa sa agawan ng teritoryo.

“It’s essentially always trying to find ways to improve relationships. And we have many proposals to them in the sense that as I said we would like for us to increase the scope. Huwag lang ‘yung West Philippine Sea ang pinag-uusapan ng China at saka Pilipinas. Let’s do other things too. In that way, it will normalize our relationship,” pahayag ni Marcos.

TAGS: BBM, BBMadmin, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, Wang Yi, WestPhilippineSea, WPSissue, BBM, BBMadmin, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, Wang Yi, WestPhilippineSea, WPSissue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.