Face-to-face classes, balak gawing 100 porsyento sa Nobyembre

Photo credit: San Jose Central School/Facebook

Target ng Department of Education (DepEd) na gawing 100 porsyento na ang face-to-face classes sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., idiniga ni Vice President Sara Duterte, na tumatayong kalihim ng kagawaran, ang naturang plano sa unang Cabinet meeting, Martes ng umaga (Hulyo 5).

Mahalaga kasi aniyang maibalik na sa normal ang pagtuturo sa mga estudyante.

Tinatayang nasa 38,000 na eskwelahan ang handa na sa face-to-face classes para sa 2022-2023 school year.

Read more...