Libreng sakay, lilimatahan sa LRT-2 na lamang para sa mga estudyante

By Chona Yu July 05, 2022 - 05:46 PM

FILE PHOTO

Tuloy ang libreng sakay ng pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. gaya ng kanyang inaprubahan noong nakaraang linggo, mapakikinabangan pa rin ng publiko ang libreng sakay sa EDSA Carousel ng hanggang Disyembre.

Pero bahagya aniya itong babaguhin, tanging ang mga estudyante na sasakay ng Light Rail transit Line 2 (LRT-2) na lamang ang magiging libre oras na magbukas ang klase sa Setyembre.

Tinatayang nasa 38,000 na estudyante ang inaasahang papasok sa face-to-face classes para sa school year 2022-2023.

TAGS: BBM, BBMadmin, EDSACarousel, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, LibrengSakay, LRT2, PBBM, RadyoInquirerNews, BBM, BBMadmin, EDSACarousel, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, LibrengSakay, LRT2, PBBM, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.