YouTuber na si Viy Cortez, nanganak na

By Angellic Jordan July 05, 2022 - 05:19 PM
Photo credit: Viy Cortez/Facebook

Nanganak na ang sikat na YouTube content creator at businesswoman na si Viy Cortez.

Isinilang ni Viy ang kanilang unang anak ni Lincoln Cortez Velasquez, o mas kilala bilang “Cong TV”, sa Asian Hospital and Medical Center sa araw ng Martes, Hulyo 5.

Pinangalan nila ang kanilang anak na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez o “Kidlat.”

Ibinahagi naman ni Viy ang larawan kung saan buhat ni Cong ang kanilang anak na si Kidlat.

“Kayong dalawa ang mundo ko❤️ salamat Lord salamat sa biyaya🙏🏻,” caption ni Viy sa kaniyang Facebook post.

Bumuhos naman ang pagbati sa mga kaanak, kaibigan, at tagasuporta nina Cong at Viy.

Congratulations, Cong at Viy!

TAGS: CongTV, InquirerNews, kidlat, RadyoInquirerNews, ViyCortez, CongTV, InquirerNews, kidlat, RadyoInquirerNews, ViyCortez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]