Unang araw ng voter registration, naging matagumpay – Comelec

By Chona Yu July 05, 2022 - 04:44 PM

Matagumpay na itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) ang unang araw ng voter registration.

Ito ay para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 5, 2022.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Comelec spokesman Attorney John Rex Laudiangco na mataas ang naging turnout sa araw ng Lunes, Hulyo 4.

Mainit aniyang sinalubong ng mga botante mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pagpaparehsitro para makaboto sa susunod na eleksyon.

Naging maayos at mapayapa naman aniya ang pagpila ng mga nagpaparehistro.

Wala pa namang pasya ang Comelec sa panawagan ng ilan na palawigin ang voter registration.

Kaya payo ni Laudiangco, samantalahin ang itinakdang tatlong linggong pagpaparehistro.

Bukas aniya ang mga tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Sabado ng 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Kahit aniya may holiday sa pagitan ng Hulyo 4 hanggang 23, bukas pa rin ang tanggapan ng Comelec.

Tumatanggap din aniya ang Comelec ng aplikasyon para sa transfer of registration.

Halimbawa na rito ang mga lumipat sa bagong tahanan at nanirahan na sa bagong lugar ng anim na buwan o higit pa.

Tumatanggap din aniya ang Comelec ng change o correction of entries sa voter registration record.

Halimbawa na ang mga maling spelling ng pangalan o address, sa mga ikinasal na na gustong magpalit ng apelyido.

Maari aniyang magparehistro ang mga natanggal na sa listahan matapos hindi makaboto ng dalawang beses sa nakaraang eleksyon.

Maging ang overseas Filipino workers na nais na magpalipat na rin ng rehistro ay maaring gawin ito.

Sa oras aniya na magsara na ang voter registration, magiging abala na rin ang kanilang hanay sa iba’t ibang aktibidad, tulad ng paglilinis ng listahan ng mga botante.

Sinabi ni Atty. Laudiangco na inaasahan nilang nasa 300,000 hanggang 400,000 botante ang madadagdagan sa taong 2022.

Tinatayang nasa 66 milyon ang magiging botante sa susunod na eleksyon.

Nasa 23 milyon naman ang botante sa SK elections.

TAGS: BrgySKelections, comelec, InquirerNews, John Rex Laudiangco, RadyoInquirerNews, voter registration, BrgySKelections, comelec, InquirerNews, John Rex Laudiangco, RadyoInquirerNews, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.