₱10,000 hanggang ₱20,000 na ayuda sa mga maliliit na negosyante sa QC, kasado na
Binuksang muli ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang financial grant application para sa mga micro entrepreneurs o maliliit na negosyante.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, maari nang mag-apply sa Pangkabuhayang QC program ang mga maliliit na negosyante para makakuha ng financial grant o livelihood training.
Sa pangunguna ng Small Business and Cooperatives Development and Promotion Office (SBCDPO), maaring makakuha ng ₱10,000 hanggang ₱20,000 na additional capital ang mga displaced/resigned employees, micro entrepreneurs/vendors, laid-off OFWs, unemployed solo parents, persons with disabilities, at indigent residents ng Quezon City.
“The capital assistance that we are providing can help our QCitizens start small businesses such as a sari-sari store, small eatery, or even an online retail shop. Its goal is to give them a sustainable source of income through entrepreneurship,” pahayag ni Belmonte.
Maari rin ang on-site application sa QC-Eservices Website (www.qceservices.QuezonCity.gov.ph).
Nabatid na sa unang implementasyon ng Pangkabuhayang QC program, aabot sa 25,000 QCitizens ang nakatanggap ng ayuda kung saan umabot sa ₱260 milyon ang inilaang pondo.
Nasa ₱200 milyong budget ang nakalaan sa naturang programa kada taon sa 20,000 beneficiaries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.