DILG Sec. Benhur Abalos, sinabing wala pang napipiling PNP chief

By Jan Escosio July 05, 2022 - 08:51 AM

Magtatagal pa ng ilang linggo sa puwesto si PNP Officer-in-Charge Vicente Danao Jr.

Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na maaring abutin pa ng ilang linggo bago maitatalaga ang unang hepe ng pambansang pulisya sa administrasyong-Marcos Jr.

Aniya kailangan na pag-aralan ng husto ang mamumuno sa PNP.

Samantala, sinabi ng kalihim na isa sa mga prayoridad niya ang pagbili ng firetrucks at ang mga istasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kulang sa mga kagamitan.

Binanggit din ni Abalos na kailangan isaayos ang pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga kulungan sa bansa.

TAGS: BBM, benhur abalos, bongbong marcos, news, PNP chief, Radyo Inquirer, Vicente Danao, BBM, benhur abalos, bongbong marcos, news, PNP chief, Radyo Inquirer, Vicente Danao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.