Mark Salling ng “Glee” kakasuhan dahil sa child pornography

By Den Macaranas May 28, 2016 - 09:26 AM

Mark Salling
AP photo

Nahaharap sa patong patong na kasi kaugnay sa child pornography si Mark Salling ng sikat na musical series na “Glee”.

Ang 30-year-old na aktor ay unang inaresto noong nakalipas na buwan ng Disyembre dahil sa pagpapakalat ng mga larawan ng mga batang babae na nakahubad at nasa aktong gumagawa ng sexual acts.

Sinabi ni Joseph Macias, Homeland Security investigator sa Los Angeles na isang mabigat na federal crime ang pagkakaroon at pagpapakalat ng mga pornographic materials ng mga bata kaya itinuloy nila ang kaso laban sa aktor.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakita sa laptop ni Salling ang iba’t ibang mga larawan ng mga kabataang babae na nakahubad.

Nabawi rin mula sa kanya ang ilang mga flash drives na naglalaman ng mga porn movies kung saan ay pawang mga menor-de-edad ang makikitang nagtatalik.

Mahigpit na ipinagbabawal sa U.S ang child pornography at may mabigat na kasong kakaharapin ang sinumang sangkot sa pagpapakalat ng mga ganitong uri ng media materials.

TAGS: chiled pornography, glee, mark salling, chiled pornography, glee, mark salling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.