P3 bawas-presyo sa diesel, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan July 04, 2022 - 02:21 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Matapos ang limang sunod na linggong oil price hike, magpapatupad ng rollback sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Hulyo 5.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, PetroGazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may bawas na P3.00 sa kada litro ng diesel habang wala namang magiging pagbabago sa gasolina.

Magkakaroon naman ng tapyas na P3.40 sa kada litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Hulyo 4).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.