Domeng lumakas pero bumagal

By Chona Yu July 02, 2022 - 08:16 AM

 

Bahagyang lumakas pero bumagal ang Tropical Storm Domeng.

Base sa 5:00am advisory ng Pagasa, kumikilos si Domeng sa northward direction sa Philippine Sea.

Taglay ni Domeng ang hangin na 85 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugso na 105 kilometers per hour.

Namataan si Domeng sa 975 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.

Sinabi pa ng Pagasa na hindi naman direktang nakaapekto sa archipelago si Domeng.

Pinalakas  ni Domeng at nagdaang tropical cyclone na Caloy ang habagat.

Makararanas ng maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan ang Palawan at Occidental Mindoro.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Domeng bukas, Hulyo 3.

 

 

TAGS: Bagyong Domeng, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyong Domeng, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.