P30 milyong halaga ng smuggled frozen chicken, nasabat

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mahigit P30 milyong halaga ng smuggled frozen chicken sa Manila International Container Port.

Ayon sa BOC, misdeclared ang mga smuggled frozen chicken bilang hotpot balls.

Nakalagay ang mga smuggled frozen chicken sa limang 4-foot containers at naka-consigned sa Lycan Consumer goods Trading.

Nagsagawa ang BOC ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong mga shipping containers ang naglalaman ng frozen chicken.

Kabilang sa mga nasamsam ang chicken breast, frozen skinless chicken breast, frozen skinless cut chicken, frozen peeled chicken breast, at frozen chicken skinless big breast.

 

 

Read more...