Commercial breeders, naka-abang sa launching ng Sta. Rosa Cockers Alliance

July 02, 2022 - 07:53 AM
Bukang bibig ng mga breeders at sabungero ang launching ng Sta. Rosa Cockers Alliance (SRCA) na itinatag nina Boy Royo Richard “Riper” Perez at Dave Lao.
Ilulunsad sa Hulyo 5 ang SRCA na gaganapin sa Summer Palace Restaurant, Edsa Shangri-La Hotel,  Mandaluyong City sa alas-11 ng umaga.
Mga beterano sa sabong ang kasama ni Perez lalo na si Royo na dalawang beses nagkampeon sa World Slasher Cup.
Maraming award na ang natanggap ni Royo kabilang ang pagiging Cocker of the Year noong 2004  at nag-solo champion din sa Basagan ng Pula.
Tumatayong adviser ng grupo si Perez habang sina Royo at Lao ay acting chairman ng execom at point person ng SRCA, ayon sa pagkaksunod.
Inaasahang nasa 95 members ang lalahok sa SRCA at halos lahat ay mga commercial breeders at lumalaro sa Pitmaster Live o WPC Online Sabong.
Bukod sa Sabong Nation, kasama rin sa coverage ng paglunsad ng SRCA ang ‘Sabong On Air’ na mapapakinggan sa DZME 1530 AM at mapapanood sa YouTube kung saan ang host ay si Ka Rex Cayanong.
Si Perez ang may-ari ng Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna, isa sa magandang sabungan sa Pilipinas.
Ito’y dahil sa magagandang pasilidad, maaliwalas na paligid at mga VIPs sa loob ng sabungan ay marami ang nagsasagawa ng big event sa RIPER Sports Mega Cockpit.
Ang Pit Manager ng nasabing state-of-the-art na sabungan ni Perez ay si Garry Tesorero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.