Sen. Imee Marcos: Sampahan ng kaso ang ‘food smugglers’ sa loob ng 100 araw

Photo credit: Sen. Imee Marcos/Facebook

Sa loob ng unang 100 araw sa puwesto ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. gusto ni Senator Imee Marcos na makasuhan ang lahat ng mga sangkot sa pagpupuslit ng imported agricultural products sa bansa.

Nais din ni Marcos na agad makapagsagawa ng malalimang pag-iimbestiga sa isyu na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Sabi pa ng senadora, sa pagsasampa ng mga kaso, maipapakita ng bagong administrasyon ang kaseryosohan na matigil ang ‘misdeclaration’ at ‘undervaluation’ ng mga imported na pagkain.

“Illegal imports have pulled down local farmgate prices and discouraged farmers from pursuing their livelihood,” ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs.

Kailangan lang din aniyang maayos at malinawan ang kontrobersiya na nalikha ng pagsasapubliko ng listahan ng mga sinasabing sangkot sa smuggling.

Diin lang din ni Marcos, hindi matitigil ang pananabotahe sa kabuhayan ng mga magsasaka kung ang mga tunay na may kasalanan ay hindi mapaparusahan.

Read more...