Grupo ni Sen. Gatchalian, suportado si PBBM bilang Agriculture secretary
Nagpahayag ng suporta ang Maharlikans Fraternal and Sororal Order of Tigers (Tigers of Asia) sa pamumuno sa Department of Agriculture (DA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ginawa ng MFSOT – TOA ang pahayag matapos mabanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang inaugural speech ang gagawin niyang pagtututok sa sektor ng agrikultura.
Sinabi ni MFSOT-TOA National President Renz Marcelo na napakahalaga na mabigyan ng administrasyong Marcos Jr. ang kapakanan ng mga magsasaka, lalo na sa usapin ng gastos sa produksyon ng mga pagkain.
“Napakaganda ng pasya ni PBBM nag awing top priority ang usapin sa krisis sa pagkain at pagsasaka, lalo na apektado tayo ng sobrang mahal ng presyo ng krudo at iba pang produkto sa world market,” ani Marcelo.
Binanggit din nito ang panawagan ng mga magsasaka na habulin at papanagutin ang mga responsable sa smuggling ng mga produktong agrikultural sa Pilipinas.
Pinaboran din ni Sen. Sherwin Gatchalian, national adviser ng MFSOT-TOA, ang paghahabol sa mga smuggler maging ang mga kasabwat nilang opisyal ng gobyerno.
Paniwala ni Gatchalian, hindi magiging ‘food self-sufficient’ ang Pilipinas kung patuloy na aasa sa importasyon at hindi mapipigilan ang smuggling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.