Libreng sakay sa EDSA Carousel, MRT-3, LRT-2 , PNR tuloy pa
Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang libreng sakay sa Edsa Carousel bus.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation, tuloy din ang libreng sakay sa mga estudyante na sasakay sa MRT 3, LRT2 at Philippine National Railways kapag nagbukas na ang face-to-face classes sa Agosto.
Nabatid na inaprubahan ni Marcos ang rekomendasyon ng DOTR matapos ang kanyang pakikipagpulong kina Secretary Jaime Bautista at Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez.
“Considering the availability of budget for Service Contracting under GA 2022, the undersigned recommends the continuation of the Libreng Sakay Program for all passengers of the
EDSA Bus Carousel,” pahayag ng rekomendasyon ng DOTr.
Iiral ang libreng sakay sa mga estudyante sa MRT 3, LRT 2 at PNR sa August 22, 2022 hanggang November 4, 2022.
“Considering the welfare of students, however, whose learning outcomes have been disproportionately affected by the pandemic, the undersigned recommends implementing a Libreng Sakay for Students Program for the First Quarter of School Year 2022-2023, or from 22 August 2022 to 04 November 2022. The Libreng Sakay for students will be implemented in MRT-3. LRT-2, and PNR,” pahayag ni Bautista.
Tinatayang nasa 38,000 na eskwelahan ang magbubukas na ng face-to-face classes para sa school year 2022-2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.