#DomengPH lumakas pa; Maaring umabot sa severe tropical storm sa susunod na 36 oras
Lumakas pa ang Tropical Storm Domeng, ayon sa PAGASA.
Sa abiso ng weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 975 kilometers Silangan ng extreme Northern Luzon dakong 4:00, Biyernes ng hapon (Hulyo 1).
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sa ngayon, hindi direktang nakakaapekto ang bagyo sa kalupaan ng basan kung kaya’t walang nakataas na tropical cyclone wind signal.
Gayunman, pinalalakas nito at ng Severe Tropical Storm “Chaba” sa labas ng bansa ang Southwest Monsoon, na nagdadala ng pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, maari pang lumakas ang bagyo at umabot sa severe tropical storm category sa susunod na 36 oras.
Inaasahan namang lalabas ang sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng hapon, Hulyo 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.