Mayor Honey Lacuna, nag-inspeksyon sa Manila City Hall

By Angellic Jordan July 01, 2022 - 03:32 PM

Manila PIO photo

Nag-inspeksyon sj Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, kasama ang ilang city hall officials, sa mga tanggapan at hallway para sa posibleng renovation at clean-up sa araw ng Biyernes, Hulyo 1.

Sa kaniyang unang araw bilang alkalde, ipinag-utos ni Lacuna-Pangan sa mga departamento na magkasa ng clean-up, mula sa mga sirang bintana at upuan, hanggang sa mga sasakyang hindi nakaparada nang maayos.

“Tinyaga po namin na ikutin halos lahat ng mga tanggapan dito sa Manila City Hall para makita kung ano pa yung mga kailagnan ayusin, tanggalin, at the same time para ma-meet ko rin yung mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila,” saad nito.

Dagdag ni Lacuna, “Siyempre sila yung magiging mga katuwang ko sa susunod na tatlong taon.”

Isa rin sa pakay ng inspeksyon ay upang magamit nang maayos ang espasyo para sa ibang tanggapan sa city hall, tulad ng Office of the Senior Citizens Affairs.

Manila PIO photo

TAGS: HoneyLacuna, InquirerNews, manila, ManilaCityHall, RadyoInquirerNews, HoneyLacuna, InquirerNews, manila, ManilaCityHall, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.