Napanatili ng Tropical Depression Domeng ang lakas habang kumikilos sa northward direction.
Base sa 5:00m advisory ng Pagasa, maaring umabot sa tropical storm category si Domeng.
Namataan si Domeng sa 950 kilometers east ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kilometers per hour.
Ayon sa Pagasa, magdudulot ng pag-ulan ang monoon trough at southwest monsoon na pinalakas pa ng Tropical Depression Domeng at Tropical Storm Chaba o Caloy sa Central at Southern Luzon.
Sa ngayon, wala pang tropical cyclone wind signal na itinataas ang Pagasa.
Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression Domeng sa July 2.
MOST READ
LATEST STORIES