Ruffy Biazon nanumpang bagong alkalde ng lungsod ng Muntinlupa

By Jan Escosio July 01, 2022 - 08:24 AM

Sa susunod na tatlong taon, si dating Representative Ruffy Biazon ang mamumuno sa lungsod ng Muntinlupa.

Nanumpa na si Biazon bilang bagong alkalde ng lungsod, gayundin si dating Mayor Jimmy Fresnedi na siya naman magiging kinatawan ng Muntinlupa City sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kasama nilang nanumpa si Vice Mayor Temy Simundac, gayundin ang mga halal na konsehal sa Distrito 1 at Distrito 2.

Sinabi ni Biazon na ipagpapatuloy niya ang magandang pamamahala at mga magagandang programa at proyekto., partikular na sa edukasyon, kalusugan at sa mga kabataan.

‘Together in this transition, we are putting into place political reforms that we hope future public servants will also advocate and pursue,” diin niya.

Dagdag pa niya napapanahon na para tuldukan ang mga lumang uri ng pamumulitika at sisimulan niya ang mas propesyonal na pamamahala.

Isa sa kanyang mga unang sisimulan ay ang pagkakaroon ng Mayor’s Action Center, na magsisilbing one-stop shop para sa maayos at de-kalidad na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng Muntinlupa City.

TAGS: Mayor, Muntinlupa, news, Radyo Inquirer, Ruffy Biazon, Mayor, Muntinlupa, news, Radyo Inquirer, Ruffy Biazon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.