Mag-inang Mel at April Aguilar nanumpa para sa bagong termino sa Las Piñas

By Jan Escosio July 01, 2022 - 08:14 AM

 

Nanumpa sina Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar at ang kanyang anak na si Vice Mayor April Aguilar para sa kanilang bagong termino ng pamumumuno sa lungsod.

Ipinanumpa sila ni Las Piñas RTC Executive Judge Elizabeth Yu-Guray kasa ang mga nanalo at magsisilbing konsehal ng lungsod.

Magsisilbi si Mayor Aguilar sa kanyang ikatlo at huling termino at nangako ito nang tuloy-tuloy at mas mabuting paglilinmgkod.

“Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbiyo program,” aniya at ang kanyang tutukan ng husto ay ang mga serbisyong pangkalusugan, partikular na ang pagpapabakuna ng kanyang mga kababayan ng proteksyon laban sa COVID 19.

Nabanggit din nito ang kanyang labis na pagtitiwala sa Sangguniang-Panglungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Aguilar.

Aniya naniniwala siya na magpapatuloy ang pagtataguyod ng mga resolusyon at ordinanda para mas lalo pang maging maunlad ang kanilang lungsod.

Bilin lamang ng nakakatandang Aguilar, kailangan na doblehin nila ang kanilang mga pagsusumikap para sa mas napapanahon at lubos na kapakipakinabang na mga program para sa mga Las Piñeros.

TAGS: news, Radyo Inquirer, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.